NANINDIGAN ngayon ang Malacañang na walang ‘selective’ sa ginagawang iimbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso ng Department of Justice (DoJ) kaugnay sa pork barrel scam.
Ayon sa pahayag ng Malacanang, sa naging privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon pinaratangan nito ang DoJ na pinili lamang sila nina Sen. Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla para idiin sa kaso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malayong malayo ang paratang ni Estrada dahil ebidensya ang naging batayan ng DoJ.
Ayon kay Lacierda, hindi rin magagamit ni Estrada sa korte ang alegasyong ‘selective justice’ bilang depensa sa kinakaharap na plunder case.
The post Walang ‘selective justice’ — Malakanyang kay Jinggoy appeared first on Remate.