Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

‘Mental torture’ ramdam na ni Jinggoy

$
0
0

AMINADO si Sen. Jinggoy Estrada na nakararanas na siya ng ‘mental torture’ sa araw-araw habang iniisip ang nalalapit na pag-aresto sa kanya kasabay ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan anomang oras mula ngayon kaugnay sa kinakaharap na kaso sa pork barrel scam.

Tahasan ding sinabi nito na hindi na maialis sa kanyang isipan ang takot sakaling matuloy ang ikalawang pagkakataon na siya’y muling makukulong at malalayo sa kanyang pamilya.

“The mere fact na makukulong na naman ako, tumatayo na ang balahibo ko. Iniisip ko ang mga anak ko,” pahayag ni Jinggoy sa Lingguhang Kapihan sa Senado nitong Huwebes na isinagawa sa Seafoods Restaurant, Malate, Manila.

Una nang sinabi ni Estrada na unti-unti na siyang nagpapaalam sa kanyang bunsong anak na baka hindi na muna sila magkatabi sa pagtulog dahil pansamantala siyang mawawala.

“Pag sinasabi ko ‘yun umiiyak na siya dahil magkatabi kami sa pagtulog,” aniya sa mga unang pahayag nito sa media bago pa man maisampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kanyang kaso.

Si Estrada, kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Juan Ponce Enrile ay kapwa sinampahan ng plunder at graft case sa Sandiganbayan.

Ipinaliwanag ni Estrada na hindi porke ikukulong sila ay nangangahulugan na ‘guilty’ na sila sa kasong idinidiin sa kanila.

Nabatid din na nakipag-ayos na ang tatlong solon na idinadawit sa isyu sa hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, si Director Benjamin Magalong at nangako na tatawagan sila kapag inilabas na ang warrant of arrest laban sa kanila.

Nilinaw din nito na kusa siyang magtutungo sa Camp Crame kapag lumabas na ang warrant of arrest at posibleng magpahatid siya sa ama na si Manila Mayor Joseph Estrada, sa ina na si dating Sen. Loi at asawang si Precy.

Kung si Sen. Revilla ay nagsabing ibubuhos ang panahon nito sa pagbabasa ng Bibliya kapag nasa loob na ng detention facility, pagbabasa naman ng libro ang kay Enrile, posibleng paggawa ng loom band ang tututukan ni Estrada habang nakapiit.

“Magpapaturo muna ako sa asawa ko,” pabirong pahayag ni Estrada.

The post ‘Mental torture’ ramdam na ni Jinggoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>