Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

10 sangkot sa PDAF scam nakapuslit na – BI

$
0
0

POSIBLENG nakalabas na ng bansa ang ilan sa mga sangkot sa kontrobersyal na pork barrel fund scam na sakop din ng hold departure order (HDO) na inilabas ng Sandiganbayan.

Ayon kay Immigration Commissioner Siegfried Mison, mula sa 54 indibidwal na nasa ilalim ng HDO, 10 sa mga ito ang posibleng nakapuslit na palabas ng bansa

Tumanggi naman si Mison na tukuyin kung sino-sino ang mga ito habang beneberipika ang naturang impormasyon.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa Sandiganbayan upang ipagkaloob sa kanila ang mga personal na impormasyon ng mga akusado na kasama sa HDO.

Posible kasing kapangalan lamang ang nakaalis ng bansa

Kasunod nito, hihingin nila sa anti-graft court ang iba pang detalye ng respondents kabilang na rito ang middle name at date of birth ng mga ito.

Samantala, tiniyak naman ng BI na nakaalerto ang kanilang mga tauhan sa lahat ng paliparan upang maiwasan na matakasan sila ng mga dawit sa PDAF scam.

The post 10 sangkot sa PDAF scam nakapuslit na – BI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>