Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

PNoy, suportado na ma-house arrest si JPE

$
0
0

SUPORTADO ni Pangulong Benigno Aquino III na isailalim sa house arrest si Senador Juan Ponce Enrile dahil sa katandaan at para na rin sa kanyang kalusugan.

Inaasahan na kasi ng Pangulong Aquino na kapag ganito ang mga dahilan ay napagbibigyan ng korte.

Iyon nga lamang, sa ngayon ay bahala na ang Sandiganbayan na magdesisyon sa bagay na ito.

Nauna nang umapela si Sen. Jinggoy Estrada sa pamahalaan na kung maaari ay hindi na ikulong si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile kaugnay ng kanilang kinakaharap na kasong plunder.

Si Enrile na ngayon ay 90-taong-gulang ay kasama nina Estrada at Sen. Ramon Revilla, Jr., na sinampahan ng kasong pandarambong bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Nang nakausap ni Estrada si Enrile ay nanatiling kampante ang dating pangulo ng Senado at nakahanda namang humarap sa kanyang kaso sa Sandiganbayan.

Sa kabilang dako, suportado naman ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang planong pag-house arrest kay Senador Enrile sakaling maisyuhan na ng Sandiganbayan ng arrest warrant si JPE na sangkot sa pork barrel scam.

Sinabi ni Belmonte na sakaling hilingin ng kampo ng senador ay huwag na lamang ikulong at pagbigyan na ma-house arrest na si Enrile.

Makatutulong aniya ito upang makapaglakad-lakad at mabantayan ang kalusugan nito.

“Yeah, I think so. Oo, dahil as everybody ought to be treated, the same, even the law you know allows some leniency in the case of persons already of advance age like myself for instance but more so like him, and definitely I’m in favor of that,” ani Belmonte.

Sa ilalim ng batas, ang mga nahatulan na may edad 80 pataas katulad ni Enrile na may edad 90 ay hindi na ikinukulong at ikinukonsidera ang kanilang katandaan.

Maging ang mga naakusahang senador na sina Senators Jinggoy Estrada at Ramon Revilla, Jr., ay sang-ayon na sila na lang ang ikulong at huwag na si Enrile.

The post PNoy, suportado na ma-house arrest si JPE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>