KABUUANG 132 katao ang namatay sa sunog sa unang limang buwan pa lamang ng taong kasalukuyan sa tala ng Bureau of Fire Protection-Investigation and Intelligence Division.
Umabot naman sa 9,520 ang naganap na sunog sa buong bansa sa pagpasok pa lamang ng Enero hanggang Mayo 2014.
Sinabi pa ni Pepito gaya noong 2013, ang National Capital Region pa rin ang may pinakamaraming bilang ng insidente ng sunog na umabot sa 2,356 habang sumunod dito ang regions 3 at 4-A.
Nabatid pa sa hepe ng arson investigation na sa insidente naman ng arson o sadyang panununog, nangunguna ang Cebu na may 25 kaso sa 100 ang bilang na naitala.
Sinabi ni Pepito na wala namang naitalang bumbero na nagbuwis ng buhay kumpara noong nakalipas na taon pero umaabot na sa 35-tauhan ng BFP ang nasugatan sa pagtupad sa tungkulin habang 348 sugatan naman sa panig ng sibilyan.
Ayon pa sa naturang opisyal, bagama’t bumaba na ng 15-porsyento ang nagaganap na sunog pagsapit ng tag-ulan ngayong Hulyo, pinayo ng BFP na huwag pa ring maging kampante at pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil ang sunog ay maaring sumiklab anomang oras.
The post Unang 5 buwan ng taon, 132 patay sa sunog appeared first on Remate.