KALABOSO ang dalawang miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) dahil sa kasong pangongotong sa isinagawang entrapment operation ng Manila Police District-General Assignment ang Investigation (MPD-GAIS) sa Ermita, Maynila.
Nakadetine ngayon sa MPD-GAIS ang mga suspek na sina Danilo Abundo, 51, ng 1065 Tayabas St., Tondo, Maynila at Laurence Sebastian, 28, ng 3062 Pilar St. Tondo., pawang mga MTPB Traffic Enfrorcer.
Nalaman kay P/Chief Inspector Aresinio M. Riparip, hepe ng MPD-GAIS, alas-4 ng hapon nang maaresto ang dalawang suspek sa kahabaan ng San Marcelino St. near cor. Ayala Blvd., Ermita, Maynila nang tanggapin ang P200 marked money mula sa isang motorista na ‘di na pinabanggit ang pangalan.
Nabatid kay PO3 Rodel Benitez ng MPD-GAIS na marami na ang reklamo ng pangongotong sa lugar kaya naman ikinasa ang operasyon na ikinaaresto ng dalawang miyembro ng MTPB.
Nagpanggap umanong pasahero si Benitez sa likod ng driver at nakita nito mismo ang ginawang pangongotong ng mga suspek.
Kaagad na inaresto ang dalawa ng kunin ang pera.
Mariin namang itinanggi ni Abundo ang alegasyon laban sa kanya.
The post 2 kotongerong MTPB, kalaboso appeared first on Remate.