Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Binata, dakip sa holdap

$
0
0

SINAKAL muna bago hinoldap ng isang binata habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama nito ang isang baristang naglalakad sa tapat ng motel sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Setyembre 26.

Nakilala ang suspek na si Angelo Bautista, 20, ng Natividad St., ng lungsod.

Ayon sa biktimang si Gener De Guzman, 23, barista ng starbucks, alas-9 ng umaga, naglalakad siya sa tapat ng Sogo Motel sa Monumento ng lungsod nang harangin siya ng mga suspek saka sinakal.

Kinuha ng mga suspek ang wallet ng biktima na may lamang P800 bago nagsitakas.

Habang naglalakad ang biktima ay nakita nito ang nakatambay na suspek na agad humingi ng tulong sa pulis kaya nadakip ang suspek. Gayunman, hindi na rin nabawi ang wallet ng biktima. RENE MANAHAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>