Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Pekeng pulis na rapist, timbog

$
0
0

DAHIL sa pagsusuot ng uniporme ng pulis, kulong ang isang lalaki at nabisto ang ginawang panghahalay at panghoholdap sa babae sa Caloocan City Martes ng hapon, Marso 5.

Nahaharap sa kasong usurpation of authority, illegal use of insignia at rape si Paulo Angelo Encabo, 30, ng Baby Lonia st., North Olympus subd., Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga pulis hinggil sa mga kinarnap na motorsiklo sa Zabarte road, Cielito Homes, Camarin ng lungsod nang mapansin ang suspek sakay ng Rusi Motorcycle na walang plaka.

Nakasuot ng PNP bullcap, black bonnet at short na PNP camouflage na naging dahilan upang parahin ng mga pulis.

Nagpakilalang mga pulis ang mga nanita subalit nagpakilala rin na pulis ang suspek at nang hingan ng identification card ay walang naipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Isang 22 anyos na dalaga na service crew ang lumutang sa presinto at positibong kinilala si Encabo na siyang nangholdap at nangrape sa kanya noong Setyembre 22, 2012, dakong alas-8:30 ng gabi sa bakanteng lote sa Merry Homes subd., Camarin ng lungsod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>