PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice ang 21 tauhan mula sa Philippine National Police at 14 mula sa Armed Forces of the Phil matapos mapatunayan sa imbestigasyon na summary execution ang naganap sa Atimonan noong Enero 6, 2013.
Batay sa 64 na pahinang executive report ng National Bureau of Investigation, nahaharap sa kasong multiple murder at obstruction of Justice sina PCSupt James Melad,PSupt Hansel Marantan,Supt Glen Dumalo at 19 na iba pa mula sa PNP at LTC Monico Abang at mga tauhan nito sa AFP.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima na bukod sa multiple murder dapat din kasuhan ang mga nabangit na tauhan ng PNP at AFP ng obstruction of Justice dahil sa ginawang pagtamper sa mga ebidensya upang ipalabas na nakipagpalitan ng putok ang mga biktima na sina Victor Siman at 12 iba pa na lulan ng 2 mitsubishi montero.
Ayon sa kalihim, malinaw na inilagay ng mga suspek ang checkpoint sa Maharlika highway upang isagawa ang pagpatay sa mga biktima.
Sa imbestigasyon ng NBI lumalabas sa away sa teritoryo sa pasugalan ang motibo ng pagpatay kina Siman na kilalang gambling lord sa Laguna.
Si Marantan sy sinasabing protector ng isa pang jueteng operator na si alyas Ka Tita.