Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Gamot pampalaglag, sex toys sa Quiapo kinumpiska

$
0
0

SINALAKAY ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ng Manila City Hall ang paligid ng Quiapo Church kung saan nakumpiska ang iba’t ibang klase ng herbal medicine, sex toys at ilang mga produktong pinaniniwalaang ginagamit sa pampalaglag o abortion kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Napag-alaman sa hepe ng MASA na si C/Insp. Bernabe Irinco, Jr. na umaabot sa 15 vendor ang dinakip ng kanyang mga tauhan kasama ng kanilang mga itinitindang iba’t ibang klase ng mga dahon, de-bote at gamot na ginagamit pampalaglag.

Ayon kay Irinco, isinagawa nila ang sorpresang pagsalakay sa panulukan ng Evangelista St. at Quezon Blvd. dahil na rin sa reklamo mismo ni Msgr. Clemente Ignacio na kura-paroko ng Quiapo Church dahil laganap umano sa nabatid na lugar ang bentahan ng mga pampalaglag na siyang labag sa utos ng Diyos.

Nauna nang sumulat si Msgr. Ignacio kay Manila Mayor Jospeh Estrada hinggil sa talamak na bentahan ng nasabing mga herbal medicine at gamot kaya agad inutusan ng alkalde si Irinco at mga tauhan nito na suyurin ang lugar at kumpiskahin ang kanilang mga itinitinda.

Ilan din sa mga vendor ang nakuhanan ng mga cytotec at iba pang abortive pills bukod pa sa mga sex gadgets.

Tiniyak naman ni Irinco na simula pa lamang ito sa tuloy-tuloy nilang gagawing kampanya laban sa bentahan ng mga pampalaglag sa paligid ng buong simbahan ng Quiapo. JAY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>