Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Erap, tatakbo ulit para alkalde sa 2016

$
0
0

MULING tatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila si Manila Mayor Joseph Estrada sa darating na 2016 election.

Ito ang tiniyak ni Mayor Estrada makaraang ipahayag nitong hindi sapat ang isang termino upang maipagpatuloy ang mga programang nasimulan na partikular na ang sinimulang malaking pagbabago sa lungsod ng Maynila gayundin ang pagbibigay-serbisyo publiko sa mga Manilenyo.

“Meron pa akong unfinished job as Mayor of Manila, I’d rather run for re-election as Mayor,” ani Estrada.

Nilinaw din ni Estrada na manananatiling si Vice-President Jejomar Binay ang “pambato” ng kanilang partido na UNA (United Nationalist Alliance) at ang nasabing bise-Presidente pa rin ang kanilang susuportahan sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng bansa sa darating na National Election.

Tiniyak naman ni Estrada na susuportahan nito ang kanyang Vice Mayor na si Isko Moreno sa anumang puwesto sa gobyerno na nais nitong takbuhin.

Naniniwala din si Estrada na handa na si Moreno sa mas mataas na puwesto kahit pa sa Senado.

“He’s (Moreno) very confident and he knows his job very well,” ayon kay Estrada patungkol kay Moreno.

Samantala, buong suporta naman ang ibibigay ni Moreno sakaling muling tumakbong alkalde ng Maynila si Estrada dahil naniniwala umano ito sa magandang adhikain ng nasabing alkalde lalo na sa mga programang pinaiiral nito sa lungsod ng Maynila.

Tumanggi naman si Moreno na pag-usapan ang kanyang balakin sa 2016 dahil masyado pa umanong maaga upang pag-usapan ang politika at mas marami pang problema ang lungsod na dapat pagtuunan ng pansin.

Kung anoman ang magiging desisyon ni Moreno sa darating na 2016 eleksyon ay kukonsultahin muna niya ang kanyang pamilya, kaibigan, political leaders at supporters partikular ang mga Manilenyo. JAY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>