Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Bading na nang-alok ng oral sex, inaresto

$
0
0

ARESTADO ang isang 22-anyos na bading nang ireklamo ito ng isang taxi driver makaraang pasukin ng nauna ang bahay nito ng walang permiso at alukin umano ng “oral sex” kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Kalaboso ang suspect na si Jayvee Holanda, ng 128 Private Road, Barangay Hulo, Mandaluyong City makaraang ipadakip ito ni Alfred Casimiro, 46, sa mga barangay tanod matapos mahuling nasa loob ng kanilang bahay sa 19 Villaruel St.,sa naturang lungsod.

Sa salaysay ni Casimiro kay PO2 Melvin Garcia ng Pasay City Police Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong alas-4 ng madaling araw habang nagluluto umano siya ng kanilang almusal nang marinig ang ingay sa kanilang gate at tila binubuksan ang kanilang main door.

Kaagad na lumabas ng kusina si Casimiro at inabutan niya ang bading na nasa kanilang sala at nag-aalok umano ng oral sex.

Humingi kaagad ng tulong si Casimiro sa mga barangay tanod upang madakip si Holanda.

Duda ang mga barangay tanod na alibi lamang ng bading ang pag-aalok ng oral sex at ang tunay nitong layunin ay magnakaw sa loob ng bahay subalit nabuko siya ng may-ari.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>