Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Seguridad sa Semana Santa, plantsado na

$
0
0

PLANTSADO na ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa paghihigpit ng seguridad sa pagpasok ng Semana Santa.

Tututukan ng mga kapulisan ang 15 tourist spots ; mga simbahan,15 Pier, at 20 bus terminal sa Maynila.

Ito ang sinabi ng pamunuan ng MPD sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa panulukan ng Don Quijote at Dapitan St., sa Sampaloc.

Ayon kina P/Chief Insp.Erwin Margarejo, spokesman ng MPD, at District Director Chief Supt. Alejandro Gutierrez, aabot sa 600 pulis Maynila ang itatalaga sa mga “area of concern” at maglalagay sila ng mga public assistance desk.

Dapat umanong maging alerto ang mga  mamamayan, responsable, mapagmatyag at i-ireport sa pulisya ang lahat nang makikitang krimen.

Kaugnay nito, nalaman na magdadagdag rin ng mga traffic personnel at pulis ngayon sa bisinidad ng Quiapo dahil sa gaganaping aktibidad sa prusisyon ng Mahal na Itim na Nazareno.

Makikipagtulungan rin ang MPD sa Philippine Coast Guard(PCG) sa pagbibigay ng seguridad sa mga daungan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>