UMIIRAL pa rin ang memorandum circular 162 ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang naturang kautusan ay inaatasan ang lahat ng government agencies na huwag tawaging Sabah, Malaysia ang isla kundi ‘Sabah’ lamang.
“The [Memorandum Circular] 162 stands. That’s the…hat’s the document the DFA use, uses in their currently uses. There‘s no issue on the 162. I don’t know why some government entities or individuals use or connect Sabah to Malaysia. Obviously, geographically, they are. But we have never said Sabah, Malaysia. It’s always… We have always referred to Sabah as Sabah,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.
Anito, hindi naman nila kailanman tinawag na ‘Sabah, Malaysia’ dahil tuloy ang claim sa nasabing isla.
Kumbinsido naman ang Malakanyang na magpapatuloy ang Malaysia bilang third party facilitator sa peace talks sa MILF sa kabila ng agawan sa Sabah.
Sa katunayan, wala namang pahiwatig ang Malaysia na bibitaw na bilang facilitator at hindi rin nagbabago ang kanilang kumpiyansang epektibo itong peace broker.