Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

4’8″ na height sa PNP malabo – Malakanyang

$
0
0

MALABO nang mabago ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na huwag nang bigyan ng puwang ang mga kinapos sa “height” na nagbabalak pumasok at maging miyembro ng Philippine National Police (PNP) at maging ng bumbero at jail guards.

Ito’y sa kabila ng pagsuporta ni PNP Chief Alan Purisima sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa height requirement subalit limitahan sa 4’8 ang taas ng mga nagnanais na maging bahagi ng kapulisan.

“There are certain requirements na kailangan talaga. We do not wish to denigrate anyone but there are certain requirements that we need to enforce. Not all detention prisoners are small, that’s one thing, so we need to make that we have the average height for a personnel to be able to maintain security, enforce security measures,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Nilinaw ni Sec. Lacierda na walang isyu ng diskriminasyon sa naging pag-veto  ng Pangulong Aquino sa isyu ng height requirement sa PNP.

Sa ulat, sa United Kingdom ay taong 1990 pa nag-alis ito ng height requirement dahil sa isyu ng diskriminasyon.

“That’s why we made it clear that the veto does not in any way speak of any discrimination. It’s more of a realization, recognition of the fact that there are certain requirements that we need to enforce.If it was not a consideration, we would have—pwede ‘yon ipasa. But may concerns tayo po doon sa security issue/aspect, enforcement of or handling of detention prisoners, ‘yung mga ganoong klaseng mga concerns which were taken into account. And, for that reason, we would like to emphasize there was no effort to discriminate against anyone. It’s just a reality that we have to contend with,” lahad ni Sec. Lacierda.

Magugunitang ang nasabing panukalang batas ay dumaan sa masusing pagdinig ng Kongreso at nakalusot sa bicameral conference committee bago isinumite kay Pangulong Aquino.

Ito rin ay sinuportahan ng mga nagdaang PNP chiefs at mga iba pang heneral ng PNP kaya ito umusad sa Kongreso.

Layunin ng panukalang batas na alisin ang diskriminasyon sa mga hindi katangkarang gustong magpulis, maging bombero o jail guards.

Nauna rito, batay sa veto message ng Pangulo, hindi nito maaaring lagdaan ang Senate Bill No. 3217at House Bill No. 6203 dahil magpapahina ito sa performance ng nasabing mga ahensya.

Naniniwala ang Pangulo na mahalaga ang nasabing tangkad lalo sa mga bombero na susuong sa sunog at jail guards na magbabantay ng convicted criminals.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>