Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Tirador ng panabong. binoga ng tiyuhin, dedo

$
0
0

TUMIMBUWANG sa kalsada ang isang binatilyo nang barilin ng kanyang sariling tiyuhin sa Quezon province nitong alas 6 ng Sabado ng gabi (Abril 14).

Kaninang umaga lamang namatay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Aldin Cacerez Rodrigo, alyas Labuyo, 17-anyos, na nagtamo ng isang tama ng bala ng caliber .45 sa leeg.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspect na si Fernando del Valle.

Ayon sa pagsisiyasat ni P01 Raucel Iranzo, may hawak ng kaso, nagmula sa isang inuman ang biktima at pauwi na ito nang makasalubong ang kanyang tiyuhin.

Kinompronta naman agad ni Del Valle ang kanyang pamangkin hinggil sa kanyang nawawalang panabong na manok na hinala nitong ninakaw ng biktima.

Pero nang itinanggi ng biktima na hindi siya ang kumuha ng manok, lalong naginit ang ulo ng suspect at hinabol ang kanyang pamangkin.

Pagsapit sa So Mahogany, sa Barangay Sta. Lucia, binaril ng suspect ang binatilyo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>