Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Anak umawat sa away ng tatay at nanay, kritikal

$
0
0

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang binata matapos na saksakin ng kanyang tatay nang awatin ng una ang huli habang kaaway ang asawa sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Michael Serrano, 32-anyos, residente ng 9th Avenue, sanhi ng saksak sa kanang leeg.

Nadakip naman ang tatay nitong si Mamerto, 63.

Sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi, inaaway ng suspek ang asawang si Delia, 58, sa loob ng kanilang bahay.

Inawat ng biktima ang nag-aaway na magulang na ikinagalit naman ng suspek na kumuha ng patalim at itinarak sa anak.

Dinala sa MCU ang biktima habang nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>