NAKIUSAP si Aurora Rep. Sonny Angara ng Team PNoy kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na bawiin ang una nitong pahayag na siya ay magbibitiw sa komisyon.
Ayon sa mambabatas, patas ang pamumuno ni Brillantes sa Comelec at ang pagbibitiw nito ay siguradong may epekto sa eleksyon sa Mayo.
“He is frank, he is fair and his reputation is that of a non-partisan, which should be the number one qualification of a poll chairman,” ani Angara.
Giit pa ng kongresista na ang patuloy na pagbabantay ng Comelec sa poster sizes at kung saan ito dapat na ilagay ay isang indikasyon ng reporma kahit sino pa ang tamaan.
Hindi aniya makabubuti na kung kailan malapit na ang eleksyon at handing-handa na ang komisyon ay saka pa ito iiwan ni Brillantes.
“The successful conduct of the May 13 election will surely complement all these,” sinabi pa ng kongresista.
Sa Lunes, kukumpirmahin ni Brillantes kung mananatili siya sa Comelec o tuluyan niyang lilisanin ang komisyon upang magpatalaga bilang isang ambassador sa Europa.