Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Paslit hinalay ng manyakis na lolo

$
0
0

DAHIL sa malakas na pag-iyak, naaktuhan ng mga residente ang panghahalay ng isang 77-anyos na lolo sa 6-anyos na paslit sa Pangasinan, Sabado ng umaga.

Nakaditine na ngayon sa San Fabian PNP at nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Alfredo Tumeniz, residente ng Barangay Tiblong, San Fabian, Pangasinan.

Dinala naman agad upang ipasuri sa pinakamalapit na ospital ang biktima na itinago sa pangalang Rizza, 6-anyos.

Naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Bago ito, nagawi sa bahay ng suspek ang biktima para maglaro at para naman pumasok sa kanyang bahay ay binigyan ito ng pera ng matandang lalaki.

Nagulat na lamang ang mga residente nang marinig nila ang paghingi ng tulong ng paslit na ang tinig ay nagmumula sa bahay ng suspek.

Pinuntahan naman agad ng mga residente ang naturang bahay at naaktuhang nasa ibabaw ang hubo’t hubad na suspek sa katawan ng biktima na wala na rin ang pang-ibabang kasuotan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>