MALABO at posibleng tuluyang hindi matuloy ang dinner date ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hollywood star na si Pamela Anderson.
Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, walang iskedyul na official visit si Pangulong Aquino sa Los Angeles, California kung saan nandun ang tinaguriang bombshell na si Anderson.
Ang nakikitang senaryo ng Pangulong Aquino ay ang posibilidad na magkita at magkausap sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Anderson ang magkaroon ng “dinner date” para pag-usapan si Mali, ang elepanteng pinaglalaban ni Anderson na pakawalan na ng pamahalaan mula sa Manila Zoo at dalhin sa sanctuary.
“Hey, guess what, Pamela might be willing… Secretary Alcala will all be too willing to meet with the Pamela Anderson,” anito sabay sabing “Wait, sandali, matagal na itong sinagot e. Wait, let me… Wait, wait, wait. The issue of the elephant was referred already to the Department of Agriculture Secretary Alcala by the Executive Secretary so we will just ask Secretary Alcala what the decision will be. The decision… Si Pamela Anderson is in LA, and the President is not going to LA anytime soon.”
Nauna rito, sinulatan ni Anderson si Pangulong Aquino hinggil sa nais ng una na mag-dinner date sila kung saan ang kanilang “topic” ay si Mali.
Iyon nga lamang ay wala naman sa impresyon ng sulat kung sino ang pupunta kanino para matuloy ang dinner date.
“No, no, I have no idea kung ano ‘yung ano… The letter did not give that impression that she was coming here,” aniya pa rin.