SA Hunyo na maaring maipalabas ang resulta ng random manual audit na gagawin para matiyak ang accuracy ng resulta ng pagbibilang gamit ang mga PCOS machine.
Itinatakda ang random manual audit o RMA sa ilalim ng Section 24 ng Republic Act 9369 o Automated Elections System Law.
Sa ilalim ng batas dapat ay may RMA sa isang presinto sa kada congressional district na pipiliin ng Comelec sa bawat lalawigan at lungsod.
Si Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta de Villa ang tumatayong pinuno ng RMA Committe, posibleng sa unang linggo ng Hunyo ay makapagsumite na sila ng ulat sa Comelec.
Ayon kay de Villa, na noon umanong eleksyon ng taong 2010, nakapagsumite sila ng RMA report mahigit dalawang buwan matapos ang eleksyon.
Ngayong 2013 eleksyon naman ay nasa, 234 polling precincts ang pagdarausan ng RMA at kabilang sa mga napili ay ang Mangacop Primary School sa Barangay Kapinpilan sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Gagawin ang RMA pagkatapos ng resulta ng computerized na bilangan ng boto sa mga presinto.
Batay sa resulta ng RMA nuong 2010 elections, lumabas na 99.6 % accurate ang resulta ng computerized na pagbilang ng mga boto para sa national positions.