Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Belmonte maagang bumoto sa QC

$
0
0

MAAGANG bumoto si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na tumatakbo para sa kanyang ikalawang termino bilang representante ng 4th district ng Quezon City.

Si Belmonte ay may halos limang minuto lamang ang itinagal para mamili ng kanyang mga napupusuang kandidato na iboto at ilang minuto lamang para mailagay ang kanyang balota sa precinct count optical scan machine sa Christ the King Seminary covered court sa QC na kinapapalooban ng mga barangay sa E. Rodriguez sa nabanggit na lunsod.

“Very efficient,compared to last time,”pahayag ni SB.

Ang mambabatas ay dumating sa naturang presinto dakong 9:00 ng umaga, may mangilangilan pa lamang na residente ang noo’y bumubuto.

Katunggali ni Belmonte sa pagka Kongresista sa 4th district ng QC ang isang Hans Palacios ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Kaugnay nito, malaki naman ang paniwala ni Belmonte na mamamayagpag ang Liberal Party sa anim na distrito ng lunsod para sa mayoral at vice mayoral positions sa QC.

Sina incumbent mayoral bet Mayor Herbert Bautista at Vice Mayoral bet Joy Belmonte ang muling tumatakbo sa lunsod sa ilalim ng Liberal party ng Team Pnoy.

Si Mayor Bautista ay maagang bumoto kahapon sa North Susana Heights Executive Village sa district 3 habang si Vice Mayor Joy Belmonte naman ay sa Christ the King seminary din bumoto kahapon ng umaga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>