Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Bahay nirapido, tatay patay, kargang anak, kritikal

$
0
0

KAPWA sa ulo napuruhan ang isang traysikel drayber at ang kanyang kargang anak nang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang kanilang bahay sa Zamboanga del Norte nitong Linggo ng gabi (Mayo 19).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at baba ang biktimang si Rene Consenario Cruz, 40-anyos habang ang anak nitong si Renz, 9 buwang sanggol ay nasa kritikal na kondisyon sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Wala pang ideya ang Liloy PNP, kung sino ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen at kung ano ang motibo sa pagpaslang sa mag-ama.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 ng gabi sa bahay ng mag-ama sa Barangay Kayok, Liloy, Zamboangan del Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kinarga ng biktima ang kanyang anak para patulugin nang walang ano-ano ay biglang umalingangaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa bahay ng mag-ama.

Ilan segundo naman matapos tumakas ang mga salarin at saka inalam ng mga kapitbahay kung ano ang nangyari at sa pagkamangha ay nakitang kapwa nakabulagta at duguan ang magama sa sahig.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>