PINAGHAHANDAAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang State of the Nation Address (SONA) bilang paghahanda sa pagbubukas ng 16th Congress.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kasalukuyan nang tina-track ng cabinet secretaries ang kanilang mga accomplishment para sa isang buong taon na isasama sa SONA na ihahayag ng Chief Executive sa darating na Hulyo.
Ang Presidential Management Staff (PMS) naman ang tumutunton ng mga pangakong binitiwan ni Pangulong Aquino noong nakaraang SONA para ikumpara ngayon.
“The President already had meetings with the Cabinet and also with the speechwriters. And, according to Undersecretary Manolo Quezon, they are already in their second revision of the outline ng SONA,” ani Pangulong Aquino.
Wala namang ideya si Lacierda kung ang magiging “highlight” ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ay ang usapin ng ekonomiya.
The post SONA pinaghahandaan ni PNoy appeared first on Remate.