NAKUBKOB man ng mga tauhan ng 29th Infantry Brigade Philippine Army ang isang malaking training camp ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa engkwentrong naganap kahapon pero nagbuwis naman ng buhay ang tatlong mga sundalo sa Sitio Kabuluhan, Brgy. Buhisan, bayan ng San Agustin, lalawigan ng Surigao del Sur.
Sinabi ni Maj. Leo Bonggosia, tagapagsalita ng 4th Infantry “Diamond” Division, Philippine Army, ang naturang kampo na may limang kusina ay kayang mag-accomodate ng 100 katao.
Narekober nila sa loob ang mga unexploded landmines at mga pins na posibleng gagamitin sa training ng mga recruit na miyembro ng grupo.
Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa nila nakuha ang bangkay ng tatlo nilang nasawing kasamahan na nakilala na dahil sa sobrang liblib na lugar.
Bukod dito, nahihirapan ding mag-landing ang kanilang chopper para ikasa ang clearing operation.
Tinatayang 30 mga rebelde ang nakaengkwentro ng mga tauhan ng Front Committee 19 ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng NPA.
The post NPA training camp sa Surigao, nakubkob; 3 sundalo, nalagas appeared first on Remate.