Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Magbabayad ng water bills, todas sa atake

$
0
0

INATAKE sa puso ang isang ginang habang nakapila para magbayad ng kanilang water bills sa Roxas City kaninang umaga (Hunyo 7).

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Mrs. Mary Ann Tiu sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00  ng umaga sa loob mismo ng Metro Roxas Water District (MRWD) sa Roxas City.

Bago ito, nabatid na pinutulan ng suplay ng tubig ang biktima dahil naantala itong magbayad ng kanilang water bills.

Upang maibalik agad ang suplay ng tubig, maaga pa lamang ay pumila na agad ang biktima sa opisina ng MRWD.

Pero maya-maya lamang, biglang nabuwal ang ginang sanhi ng atake ng sakit.

Masama naman ang loob ng anak ng naturang ginang dahil sa kapabayaan ng mga empleyado ng water district nang makitang hinimatay ang kanyang nanay.

Pinabulaanan naman ng MRWD ang mga alegasyon laban sa kanila at nanindigan na nag-alok sila ng tulong na madala sa ospital ang ginang, ngunit tumanggi ang anak nito.

The post Magbabayad ng water bills, todas sa atake appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan