ISA sa mga sinisilip na motibo sa twin explosions sa Quezon City nitong nakaraang Biyernes ng madaling araw na ikinasugat ng isa at ikinasira ng ilang sasakyan at kabahayan kabilang ang isang talyer ay long standing disputes sa pagitan ng landlord at tenant.
Sinabi ni Quezon City Police director Senior Supt. Richard Albano, na ito ang sinabi sa kanya ni Joel Tating, ang may-ari ng talyer na pinasabugan ng hindi pa malamang improvised explosive device sa Ilocos Sur street, Bago Bantay, Q.C.
Sa katunayan, ang kaso, aniyang, land dispute ni Tating at ang kanilang tenant na isang abogadong hindi muna pinangalanan ay dinidinig pa hanggang ngayon ng korte.
Sinabi ni Tating na nagsimula ang lahat ng kaguluhan nang iwanan nilang mag-asawa noong 2005 ang kanilang pag-aaring lupa sa nasabing lugar.
May naganap, aniyang, robbery incident sa kanilang lugar na ikinamatay ng kanilang helper at ikinasugat ng nanay ni Joel.
Makaraan ang may apat na taon, binalikan, aniya, ng magasawang Tating ang kanilang lupa at sa kanila ng may pinanghahawakang dokumento ay naharap sa malaking problema sa isang abogadong kanilang tenant at sa iba pang informal settlers na nagtayo ng tindahan sa loob ng kanilang compound.
Sa nasabing pagsabog, nasugatan ang isang Virgilio Agito nang mabasag ang salamin sa mukha, tuhod at sa kanang paa.
Nawasak naman sa nasabing pagsabog ang isang Opel Vectra at Hyundai Matrix na kapwa nakaparada at ipinapagawa sa nasabing talyer sa Ilocos Sur Street sa Barangay Ramon Magsaysay.
The post QC twin explosions, away kasera at tenant appeared first on Remate.