Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Hindi sinipot ng GF, binata nagbigti

$
0
0

PATAY ang isang binata matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay nang magtampo dahil hindi sinipot ng nobya sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Hunyo 7.

Patay na nang makitang nakabigti ng nylon cord sa kanyang kuwarto si Gener Garido, 18, ng Phase 3-E1 ng lungsod ng kanyang kapatid na si Dennis dakong alas-7 ng gabi.

Bago ang insidente ay magdamag na naglasing ang biktima kung saan pinapapunta ang kanyang nobyang hindi na nakuha ang pangalang sa kanilang bahay.

Nabatid na hindi pinayagan ang nobya ng biktima ng kanyang ina dahil dis oras na ng gabi kung kaya hindi nakapunta ang dalaga.

Nang mag-uumaga na ay muling nag-text ang biktima sa nobya at sinabing magpapakamatay subalit nakalipas ang ilang oras ay walang reply na natanggap ang binata na masama ang loob na nagkulong sa kanyang kuwarto.

Maghapon hindi lumabas ng kuwarto ang biktima at nang puntahan ng kapatid ay nakitang patay na nakabitin sa loob ng kuwarto.

The post Hindi sinipot ng GF, binata nagbigti appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>