INOOBSERBAHAN ngayon sa ospital ang isang miyembro ng Philippine Marines (PM) matapos tuklawin ng ahas habang nagpapatrolya sa Sultan Kudarat kaninang umaga (Hunyo 8).
Nagtamo ng malalim na tuklaw sa kanang paa ang biktimang si Jobert Gofino, 22-anyos, at residente ng Zamboanga City.
Naganap ang insidente dakong alas- 8 ng umaga sa isang masukal na lugar sa Palembang, Sultan Kudarat.
Bago ito, nagpapatrolya sa lugar ang biktima kasama ang ilan pang sundalo nang biglang tuklawin ng isang ahas ang kanyang paa.
Sa tulong ng kanyang mga kasamahan, nadala agad sa pagamutan ang biktima at ngayon ay masusing inoobserbahan pa rin dahil ang ahas na nakatuklaw dito ay malakas ang kamandag.
The post Marine tinuklaw ng ahas, bagsak sa ospital appeared first on Remate.