Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Lady customs official sa CDO, sugatan sa ambush

$
0
0

INAMBUS ng kilabot na motorcycle in tandem ang isang lady customs official sa Cagayan de Oro City nitong nakaraang Huwebes ng umaga (Hunyo 7).

Isinailalim na sa matinding operasyon sa isang hindi pinangalanag ospital sanhi ng tinamong tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Alma Lomondot, residente ng Ozamis City at hepe ng X-Ray division ng Mindanao Container Terminal (MCT) sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Bukod dito, sinabi ni Senior Inspector Evan Viñas, hepe ng Agora Police Station, na nagtalaga na rin siya ng ilan sa kanyang mga tauhan para bantayan ang biktima habang ito ay nasa ospital.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 2:30 ng umaga sa Barangay Bugo sa Cagayan de Oro City.

Bago ito, minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Hilux  at pabalik na ito sa kanyang opisina mula sa sentro ng lunsod nang pagsapit sa lugar ay ambusin ng mga armadong suspect.

Ayon kay Vinas, kabilang sa kanilang tinututukang anggulo sa pagbaril sa biktima ay work related at maging ang  pakikipaghiwalay nito sa asawa ay kasali ring iniimbestigahan.

Tikom naman ang bibig ng iba pang BoC officials sa syudad kung bakit inambus ang kanilang kasamahan pero may ilan na gusting magsalita pero natatakot na masangkot sa gulo.

Dalawang anggulo ngayon ang sinisilip na motibo ng pulisya hinggil sa pag-ambush sa isang lady customs official sa Barangay Bugo sa Cagayan de Oro City kahapon.

Sinabi ni Senior Insp. Evan Vinas, hepe ng Agora Police Station, na ang unang motibo  ay may kaugnayan sa trabaho ng biktimang si Alma Londot, bilang hepe ng Bureau of Customs X-Ray division.

Dahil, aniya, sa kalikasan ng trabaho ng biktima ay maaring may nagalit ditong mga tao na maaring hindi napagbigyan nito.

Isa rin sa mga motibong kinakapa ay ang mga naglipanang mga operasyon ng smugglers sa lunsod na maaaring nasagasaan ng biktima.

Sinisilip rin ng pulisya ang anggulong may kinalaman umano sa pag-aambus ang dating mister ng biktima dahil hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

Gayunman aminado si Vinas na hindi pa malinaw kung ano talaga ang dahilan sa pagtambang sa biktima lalo pa’t mas inuuna muna ang mailigtas ito .

The post Lady customs official sa CDO, sugatan sa ambush appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>