TINUTUGIS na ngayon ng magkasanib na puwersa ng PNP at militar ang mga hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na napaulat na dumukot sa mag-kapatid na Filipino-Algerian sa Sitio Baunuh, Barangay Liang, Patikul, Sulu.
Ayon kay Col. Jose Cenabre, commander ng Joint Task Force Sulu, kinilala ang magkapatid na sina Linda Abdel Basit at Nadova Abdel Basit.
Sinabi ni Cenabre na nakasakay sa isang PUJ ang mga biktima dakong alas-9:30 ng umaga nitong Sabado mula sa bayan ng Jolo at papunta sa Barangay Taglibi sa Patikul nang harangin ng walong armadong lalaki na pinamumunuan umano ng isang Ninok Sappari at puwersahang tinangay ang mga ito.
Nabatid na nagsisilbi umanong public relation ng Tausug Citizen ang magkapatid kay Sultan Bantilan Muizudin ng Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.
Sa ngayon ay blangko pa ang mga awtoridad kung saan dinala ang mga biktima.
The post 2 Filipino-Algerian, dinukot sa Sulu appeared first on Remate.