NASA malubhang kalagayan ang isang lalaki makaraang tagain sa ulo ng kanyang pinsan dahil sa ‘di pagkaka-unawaan sa Pudtol, Apayao.
Kinilala ang suspek na si Arnold Ilaya, 22, habang ang biktima ay kinilala namang si Danilo Asuncion, 41, at parehong mga magsasaka sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Apayao Police Provincial Office (PPO), may pinagtatalunang na ‘di pinagkaintindihan ang magpinsan habang pauwi ang mga ito galing sa bukid.
Gayunman, pagkauwi ng suspek ay sinundan ito ng biktima para pag-usapan nila ang gusot sa pagitan nila pero sa halip na maayos ay lumala pa sitwasyon dahil kumuha ng gulok ang suspek at tinaga ang ulo ng biktima.
Agad namang pumagitna ang iba nilang kaanak upang hindi na lumala ang karahasan.
Sa ngayon, nagpapagaling sa Far North Luzon General Hospital and Training Center, Luna, Apayao ang nasabing biktima.
The post Magsasaka tinaga sa ulo ng pinsan appeared first on Remate.