NAPATAY ang isang lalaki samantalang sugatan naman ang isang retiradong pulis sa naganap na tagaan at barilan sa Brgy. Pantay Fatima, Vigan City, Ilocos Sur.
Namatay noon din ang biktima na si Cresencio Arabe matapos barilin ng retiradong pulis na si Mario Puruganan na sugatan din ang leeg matapos tagain ng isang nagngangalang Arabe.
Ayon kay Supt. Maximo Taclas, chief of pulis ng PNP Vigan at base na rin sa salaysay ng mga nakakita, nag-rumble pa umano ang dalawa hanggang nakarinig sila ng putok ng baril na ikinamatay ni Arabe habang may taga naman ang leeg ng retiradong pulis.
Una rito, may pinuntahan si Arabe at nagkasalubong ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa naturang insidente.
The post Kelot patay, retiradong pulis sugatan sa karahasan appeared first on Remate.