Araw ng Maynila, ipinagdiriwang ngayon
IPINAGDIRIWANG ngayong araw ang ika-442 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan naman ni Manila Mayor Alfredo Lim ang nasabing selebrasyon.
Idineklara namang walang pasok ang lahat ng opisina at eskuwela sa lungsod bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila.
Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang, gagawaran ngayon ng karangalan ang “ Ten Outstanding Manilans” .
Kabilang sa pararangalan sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle (spiritual leadership), at multi-awarded actor, producer director Cesar Montano (movie and TV industry) .
Kasama din sa hanay sina television host-journalist Solita Monsod ( for education and social consciousness); public works Secretary Rogelio Singson( public service); foreign affairs Secretary Albert del Rosario,(Diplomacy) ; Yvonne Yuchengco, (corporate leadership and management); Fr. Aloysius Maranan, (academic leadership); Gen. Vicente Lim, (national defense) (posthumous); PAGCOR chair Cristino Naguiat, Jr.,( corporate social responsibility) at Congressman Martin Romualdez,( print media advocacy).
“By recognizing these Manilans for their exemplary achievement, the city government and its officialdom hold them up for emulation by others, even as appreciation is extended to them for what they have done for Manila and its people,” ayon pa sa alkalde.
The post Araw ng Maynila, ipinagdiriwang ngayon appeared first on Remate.