SUSUSPINDIHIN at papauwiin sa bansa mula sa Riyadh,Saudi Arabia ang isa pang labor attaché kaugnay sa kontrobersyal na sex for flight scheme sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Gitnang Silangan.
Ito ang kinumpirma ngayon ng investigating team ng Department of Labor and Employment (DOLE) .
Ayon kay Labor probe team head Atty. Leah Fortuna, kinilala ang labor attaché na si Assistant Labor Attache to Riyadh Antonio Villafuerte.
Napag-alaman na lalagdaan ngayong araw ang recall order laban kay Villafuerte upang agad na maipadala sa kanya at maabisuhan na agad umuwi ng Pilipinas para harapin at sagutin ang mga reklamo laban sa kanya.
Una nang pinauwi sa bansa ang mgalabor officials na sina Philippine labor attaché to Jordan Mario Antonio, Kuwait –based welfare officer Blas Marquez.
Tutulak naman ng Jordan ang DOLE at DFA ngayong linggo upang personal na magsagawa ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa nasabing isyu.
Hinikayat naman ng labor department ang iba pang biktima ng pang-aabuso ng mga opisyal na huwag matakot at lumantad upang sila ay maproteksyunan.
The post 1 pang labor attache, susupindihin – DOLE appeared first on Remate.