SUMIRIT pa sa walo ang nalagas sa pagsabog sa mga nakahilerang mga resto bars sa Cagayan de Oro City shoppping mall complex nitong nakaraang Biyernes ng gabi, ayon sa opisyal ng Philippine College of Physicians.
Sinabi ni PCP vice president and University of the Philippines Manila director for information na si Tony Leachon na ang namatay kaninang 6:15 ng umaga ay si Dr. Marciano Agustin na nasa intensive care unit ng CDO hospital .
Nauna rito, kinumpirma naman ni Cagayan de Oro City police chief Senior Superintendent Graciano Mijares ang pagkamatay ng pang-pitong kaswalidad nitong Linggo ng gabi. Sina Agustin at isa pa ang iniulat na nagtamo ng matinding pinsala sa mukha at katawan sanhi ng tinamong shrapnels sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Maalalang nitong Biyernes ng gabi, sumabog ang bombing inilatag ng isang hindi nakikilalang lalaki sa gitna ng kasiyahan sa parking area ng Limketkai shopping complex sa Cagayan de Oro City, 6 lamang ang inisyal na namatay sa insidente.
Kinondena naman ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang insidente at iniutos na ang malalimang imbestigasyon.
The post Patay sa CDO blast sumirit sa 8; hustisya hiling ng mga biktima appeared first on Remate.