NIYANIG ng 3.4 magnitude na lindol ang Davao del Sur kaninang umaga Hulyo 29, 2013 (Lunes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa silangan ng Davao City, Davao del Sur dakong 9:41 ng umaga.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 001 kilometro.
Kaugnay nito naramdaman naman ang 2.4 magnitude na lindol sa silangan ng Culaba, Biliran dakong 4:22 ng madaling araw.
Nabatid sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 020 kilometro.
Nauna rito, niyanig ng 3.1 magnitude na lindol ang silangan bahagi ng Talacogon, Agusan del Sur dakong 12:27 ng madaling araw.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa magkakasunod na lindol.
The post Davao del Sur niyanig ng 3.4 magnitude na lindol appeared first on Remate.