Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Lalaki binaril sa ulo, tigok

$
0
0

PATAY ang isang 21-anyos na lalaki makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang kapitbahay sa Quezon City, kagabi Agosto 4,2013, Sabado.

Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Leopoldo Rigo, may live-in partner,ng Erison St., Dona Nicasia, Brgy.Commonwealth, QC.

Si Rigo ay hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center dahil sa isang tama ng bala sa kanyang ulo.

Ayon sa ulat ng QCPD-CIDU naganap ang insidente sa harap ng Rosalyn store sa Samsung St. ,Dona Nicasia, Brgy. Commonwealth, QC dakong 8:30 ng kagabi.

Sinabi sa ulat na kasalukuyan nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang kapitbahay na si Paquito Dote nang lapitan ng isang hindi kilalang suspek saka binaril sa ulo ang una.

Matapos humandusay sa semento ang biktima tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa pamamaril.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng pamamaslang sa biktima.

The post Lalaki binaril sa ulo, tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>