Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Sutil na anak tangkang pumatay ng ina

$
0
0

KALABOSO ang isang sutil na anak na lalaki matapos tangkaing patayin ang kanyang ina dahil hindi natirhan ng ulam ang una sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Agosto 7.

Nahaharap sa kasong frustrated parricide si Cecilio Bautista, 45 ng Baltazar St., 6th avenue ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga palo ng kahoy sa ulo si Fely Bautista, 70, ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, umuwing gutom ang suspek subalit nang tignan ang kusina ay walang pagkain.

Nagalit ang suspek at kinompronta ang ina hanggang sa magtalo at kumuha ng patalim si Cecilio subalit bago maisaksak ay naawat ng mga kapatid.

Nang madisarmahan ay lumalabas ng bahay ang suspek subalit nang magbalilk ay may dalang kahoy at walang salitang ipinalo sa ulo ng ina.

Dinala ang biktima sa PDMMMC habang dinakip ang suspek ng mga rumespondeng  barangay tanod at dinala sa presinto.

The post Sutil na anak tangkang pumatay ng ina appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>