Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Militar vs ASG: 1 patay, 8 sugatan

$
0
0

ISANG sundalo ang namatay habang walo ang nasugatan makaraang magkasagupa ang Philippine Military at Abu Sayyaf na nagsimula kaninang madaling-araw sa Basilan, Agosto 8.

Ayon kay Colonel Carlito Galvez ng 104th Brigade sa Basilan, nagsimula ang labanan ng mga sundalo sa 70 miyembro ng ASG bandang alas-4:00 ng madaling-araw na tumagal hanggang alas-10:00 ng umaga sa Sitio Bohe Libi, Al Barka.

Nabatid din sa intelligence reports, may pitong namatay sa panig ng extremist group na pinamumunuan ng isang Isnilon Hapilon.

Bunsod nito, 1,000 pamilya ang inilikas upang hindi madamay sa naturang operasyon.

Sumugod ang mga sundalo sa lugar na tinatawag na Buni-Buni matapos makatanggap ng impormasyong doon nagpupulong ang mga lider ng ASG na sina Isnilon Hapilon, Puruji Indama at Khair Mundos.

Batay pa rin sa intelligence information, maghahasik ng gulo sa Basilan ang ASG matapos ang Ramadan.

Nakubkob na rin ng mga sundalo ang kuta, pero hindi pa matukoy ang bilang ng nasugatan o nasawi sa panig ng ASG.

The post Militar vs ASG: 1 patay, 8 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>