Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Nagwawalang Irish nationals nandura ng parak, kalaboso

$
0
0

PATONG-PATONG na kaso ang bubunuin ng dalawang Irish national nang bukod sa sipa at suntok ay dinuraan pa nila sa mukha ang dalawang pulis na umawat sa kanilang pagwawala sa isla ng Boracay kaninang madaling araw (Agosto 30).

Sasampahan ng kasong alarm scandal, resistance and disobedience to a person authority at nakaditine na ngayon a Aklan Rehabilitation Center ang mga suspect na sina Christopher McManus, 21-anyos at Dickland Craig, 27-anyos, kapwa taga Ireland at nagbakasyon lang sa isla.

Sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nag-away ang dalawang dayuhan dakong 12:30 ng madaling araw nang dahil sa sobrang kalasingan.

Rumesponde naman sina PO1 Daryl Dormedo at PO1 Algie Miranda sa insidente pero imbes tumigil ay sinipa, sinuntok at saka dinuraan pa sila ng mga suspek.

The post Nagwawalang Irish nationals nandura ng parak, kalaboso appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>