Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Mister binaril sa harap ng asawa, dedo

$
0
0

TODAS ang isang mister ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang dalawang salarin sa harap ng kanyang asawa Huwebes ng gabi, August 29, sa Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Dead-on-the-spot sa loob ng bahay ang biktimang si Rodrogo Morada y Mison, 61, may asawa, ng Flovi 6 homes phase 5, Tonsuya ng lungsod sanhi ng maraming tama ng kalibre .45 at .9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek tangan ang kanilang ginamit na baril.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina P02 Jun Belbes at P02 Glenn Isidto ng Criminal Investigation Brance (CIB) ng Malabon pulis, dakong alas 9:10 ng gabi ng maganap ang krimen sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ng asawa ng nasawi na si Florida Morada, nagpapakulo ng tubig ang kanyang mister ng bigla na lamang siyang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nakita na lamang niyang duguang nakahandusay ang kanyang asawa na agarang namatay.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crimes Operatives (SOCO) ng 4 na empty shell ng kalibre 45, dalawang slug naman ng 9mm at isang naiwang magazine ng kalibre .45 na may bala pa.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

The post Mister binaril sa harap ng asawa, dedo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan