SA gitna ng naging pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na outsider ang itatalagang bagong maamumuno sa National Bureau of Investigation (NBI), nagkaisa naman ang mga kawani at opisyal ng ahensya sa pagrerekomenda ng maaaring pagpilian ng Pangulong Benigno Aquino bilang kapalit nang nagbitiw na si NBI director Nonnatus Caesar Rojas.
Kabilang sa mga inirekomenda ay sina Deputy Director for Comptroller Services Rafael Ragos, Deputy Director Regional Operations Services Virgilio Mendez at Assistant Director Medardo de Lemos.
Nauna rito, inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima na sa susunod na linggo ay maaari ng makapag-appoint ng bagong NBI director si Pangulong Aquino.
Sinabi ni De Lima na maaaring Martes o Miyerkules ianunsiyo ang pangalan ng bagong NBI director.
May napipisil na, aniya, upang maging pinuno ng bureau ngunit tumanggi muna si De Lima na tukuyin ang pangalan ng magiging NBI chief.
The post 3 opisyal suportado ng mga kawani na maging bagong NBI director appeared first on Remate.