HINIHINALANG biktima ng “summary execution” ang isang lalaki nang matagpuang wala nang buhay at nakabalot sa plastik bago isinilid sa isang sako at itinapon sa kalye kaninang madaling-araw sa Taguig City.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, nakasuot ng brown na sleeveless shirt at brown pants.
Sa imbestigasyon nina SPO1 Darwin Allas and PO3 Ricky Ramos ng Taguig police, alas-5 ng madaling-araw nang madiskubre ng mga nagpapatrolyang tanod ng barangay sa C-5 Road, naturang lungsod.
Agad na ipinagbigay-alam ng mga tanod sa himpilan ng pulisya ang naturang insidente kung saan ay agad na rumesponde ang mga awtoridad gayundin ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Ayon sa SOCO, nagtamo ang biktima ng sakal sa leeg at mga tama ng bala sa katawan na hinihinalang dahilan ng pagkamatay nito bago ito binalutan ng plastik, isilid sa sako at itinapon.
Napag-alaman sa pulisya, namataan ng isang Arnold Guda, brgy tanod, ang isang puting sasakyan na umaali=-aligid sa lugar alas-2:30 ng madaling-araw bago pa man nila nadiskubre ang bangkay ng biktima.
Ilang oras lamang ang nakaraan ay bigla na lamang nakarinig ng mga putok ng baril ang mga brgy. Tanod kung saan ay inakala pa umano nilang “fireworks” ito hanggang sa madiskubre nila ang bangkay ng biktima.
The post Salvage victim, itinapon sa Taguig appeared first on Remate.