IGINAGALANG ng Malakanyang ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).
“We respect the action of the Supreme court on the matter. Let me point out that the President had already suspended the releases also,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Ganito rin ang naging posisyon ni Senate finance committee chairman Francis Escudero, may TRO man aniya o wala “on hold” na talaga sa Senado ang PDAF o pork barrel.
Sa ulat, noong una pa man na nag-anunsyo si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na on hold ang PDAF ay nag-anunsyo na rin ukol dito si Senate President Franklin Drilon.
Sinabi ni Drilon na mayroon nang resolusyon para repasuhin ang pork barrel system.
Pero wala na nga aniyang epekto ang TRO sa Senado, dahil sinuspinde na nila ang lahat ng request para sa release ng PDAF.
The post TRO ng SC vs PDAF okay sa Malakanyang appeared first on Remate.