Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

FDA nagbabala vs slimming underwear

$
0
0

PINAG-IINGAT ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa ipinagbibiling slimming underwear sa pamamagitan ng internet.

Batay sa FDA Advisory 2014-005 ni FDA chief Kenneth Hartigan-Go, binalaan nito ang publiko laban sa pagbili ng “Onami” slimming underwear products na nagsasabing nade-detoxify ang katawan at sinusunog ang body fats.

“All consumers are hereby warned against buying the said unregistered product from the market or through online,” anang advisory.

Nauna rito, natuklasan ng FDA na sa patalastas ng produkto ay marami itong benepisyo kabilang na ang pag-detoxify sa katawan at pagsunog ng body fats, nagpapalakas ng immune system, nagpapahusay ng metabolismo, nakakaragdag ng mental alertness, nakakaalis ng fatigue at stress, at mga sakit, at nakakaalis rin ng body odor.

Sinabi naman ni Hartigan-Go na ang naturang produkto ay hindi rehistrado sa kanilang tanggapan at wala ring anumang clinical o scientific studies para sumuporta sa therapeutic claims nito.

Iginiit pa ni Hartigan-Go na ang FDA ang nagre-regulate ng lahat ng devices na may therapeutic o health claims kaya’t kinakailangan muna ng naturang slimming underwear na kumuha ng License to Operate (LTO) bilang manufacturer o distributor mula sa FDA.

Nilinaw naman ng FDA na tanging mga health product na nakaabot sa FDA standards lamang ang iisyuhan ng Certificate of Product Registration (CPR).

Inatasan na rin ni Hartigan-Go ang manufacturers at distributors ng produkto na alisin sa merkado ang produkto, gayundin ang mga mall owners at mga outlet na alisin ang produkto sa kanilang mga pamilihan.

The post FDA nagbabala vs slimming underwear appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>