ANG kapistahan ng Sto. Niño ay hindi nangangahulugan ng mga inuman kundi pananalangin.
Ito ang ipinaalala ni Father Edwin Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga deboto ng Sto. Nino, kasabay nang pagdiriwang sa Maynila at sa Cebu ng kapistahan ngayong araw Enero 19.
Ayon kay Gariguez, hindi dapat na magpakalasing ang mga deboto sa pista ng Sto. Niño dahil natatalo nito ang tunay na layunin ng naturang pagdiriwang.
Nilinaw ni Gariguez na ang naturang pista ay araw ng panalangin at upang papurihan ang sanggol na si Hesukristo.
Sinabi ni Gariguez na nauunawaan naman nila ang mga tao kung nais na ipagdiwang ang pista ngunit hindi naman aniya dapat na magpakalasing sa naturang araw dahil ugat lang ito ng kaguluhan.
The post Pista ng Sto. Niño, di araw ng inuman! – CBCP appeared first on Remate.