SINAKLOLOHAN na ng Presidential Legal team si Pangulong Benigno Aquino III sa ginagawa niyang pag-aaral sa kontrobersiyal na Atimonan incident.
Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang, tinulungan na ng Palace Legal team ang Pangulong Aquino sa ginagawa niyang pag-aaral sa Atimonan incident.
“This would be the Palace legal team. They would probably… The Office of the President would be part of the group that would be digesting the report,” ayon kay Sec. Carandang.
Hindi naman sigurado si Sec. Carandang kung nakumpleto na ni Pangulong Aquino ang pagrerebisa sa nasabing report.
“So let’s just wait until he has something to say about that. In the meantime, I would not comment on the specifics or the merits of that report until everyone has had a chance to review it. I hope you give us some time. This was a long investigation. It is a complicated case, and it’s better to fully digest all of the details before we begin to speak publicly about it,” ayon sa Kalihim.
Sa kabilang dako, bagama’t mabagal ang itinatakbo sa pag-aaral ng Atimonan incident ay tiniyak naman ni Sec. Carandang na makakakuha ng katarungan ang pamilya ng mga nabiktima ng nasabing insidente.