TODAS ang isang sakristan makaraang magbigti sa mismong simbahan sa Sarrat, Ilocos Norte kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Richard Corpuz, gitarista at sakristan ng Sta. Rosa de Lima parish ng Sarrat.
Sa salaysay ng ama ni Richard, napansin na niya na balisa ang anak at tila may malaking problema dahil napapaiyak pa ito pero hindi niya lang pinansin.
Dagdag pa ng tatay ng biktima na nakita pa niya ang anak na nagwawalis ng bakuran ng simbahan kaninang umaga ngunit makaraan ang dalawang oras ay nakatanggap na siya ng balitang nagbigti na ito.
Nabatid na Itinali ni Richard ang sinturon sa kanyang leeg saka ito nagbigti sa bintana ng simbahan.