NAG-RESIGN si South Korean Prime Minister Chung Hongwon makaraan ang batikos sa mabagal na pagtugon ng kanyang gobyerno sa paglubog ng barko na ikinamatay ng daan-daang katao.
Isinagawa ni Chung ang pagbibitiw sa puwesto sa national TV at inako ang responsibilidad sa mabagal na pagtugon sa paglubog ng barkong Sewol.
Bukod sa pagbibitiw sa puwesto ay nag-sorry su Chung sa pamilya ng mga biktima na ngayon ay umaabot na sa 187 ang narerekober na bangkay.
Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante na patungo sana sa field trip.
The post Prime Minister ng SoKor nag-resign appeared first on Remate.